Nasawi ang 49-anyos na supervisor nang pagbabarilin habang nag-iinuman sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Rizal, Lipa City, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Elmer Roselo, supervisor sa isang batching plant at residente ng Purok 5 ng nasabing barangay.
Ayon sa anak ng biktima nag-iinuman ang kanyang ama at katrabahong isang katrabaho sa harap ng kanilang bahay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.
Paglabas niya ng bahay, nakita niyang nakabulagta ang kanyang ama habang ang isang lalaking nakasuot ng sombrero ay nagpapalit umano ng magazine ng hawak nitong armas, bago muling nagpaputok ng dalawang beses sa biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng itim na motorsiklo patungo sa Barangay Calamias, Lipa City.
Isinugod ang biktima sa Divine Love Medical Center nguni’t idineklarang DOA ng doktor.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, habang isinagawa ang dragnet operation at hiniling na rin ang SOCO assistance para matukoy ang suspek at iba pang detalye ng pamamaril.

Share.
Exit mobile version