SINIBAK na si Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ipinalit kay Bersamin si ex-Finance Secretary Ralph Recto at humalili kay Pangandaman si dating undersecretary Rolando Toledo.

Tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang resignation ni Bersamin at Pangandaman na nagbitiw umano kaugnay ng isyu sa delicadeza makaraan ang paglantad ni ex-Rep.Zaldy Co na naglitanya ng detalye sa kanyang nalalaman sa isyu ng corruption gamit ang kanyang validated facebook account.

 

📌 Mahahalagang Detalye

  • Lucas Bersamin (Executive Secretary)
    • Nagbitiw sa puwesto at pinalitan ni Finance Secretary Ralph Recto, na siya ngayong bagong Executive Secretary.
  • Amenah Pangandaman (Budget Secretary)
    • Nagbitiw bilang Kalihim ng DBM.
    • Itinalaga si Undersecretary Rolando Toledo bilang Officer-in-Charge (OIC) ng DBM.
  • Frederick Go (Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs)
    • Itinalaga bilang bagong Finance Secretary, kapalit ni Ralph Recto.
  • Dahilan ng pagbibitiw:
    • Parehong nagbitiw si Bersamin at Pangandaman “out of delicadeza” matapos masangkot ang kanilang mga tanggapan sa flood control corruption scandal na may kinalaman sa umano’y iregularidad sa multi-bilyong pisong proyekto.

Buod: Kumpirmado na tinanggap ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw nina Lucas Bersamin at Amenah Pangandaman. Si Ralph Recto ang bagong Executive Secretary, si Frederick Go ang bagong Finance Secretary, at si Rolando Toledo ang OIC ng DBM.

 

 

 

Share.
Exit mobile version