Viral ang clip kung saan kinakapanayam sina Bela Padilla at ang dyowa niyang si Martin Tan.
Noong una kasi ay ayaw pang i-flex ng actress ang kanyang boyfie dahil aniya ay baka maudlot ang kanilang romansa.
Pero dahil naging opisyal na sila ay naging maligaya naman ang actress sa pagdi-display ng kanyang boyfriend.
Ayon kay Bela, mahilig daw silang manood ng movie ni Martin.
Isa rin daw ito sa mga dahilan kaya sila nagkakasundo.
Sey pa ng businessman, natipuhan daw niya si Bela dahil bukod sa matalino ay maganda at funny ito.
Para naman kay Bela, bet daw niya si Martin dahil willing itong subukan ang maraming bagay.
Game rin daw ito sa pagpunta sa palengke kahit maaga.
Hirit pa niya, pogi rin daw ang tech CEO.
Tungkol naman sa terms of endearment, baby daw ang tawagan nila sa isa’t-isa.
Kinumpirma rin nila na eight months na ang kanilang relationship.
=====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

