Nasagip ang isang babae nang ma-trap sa comfort room ng isang bahay sa Barangay Canlalay, Biñan City, Laguna noong Martes, Mayo 12.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), agad silang rumesponde nang makatanggap ng ulat tungkol sa insidente.
Sa operasyon, kinailangan ang forced entry dahil sa ilang nakakandadong pinto sa loob ng bahay.
Sa tulong ng mabilis at koordinadong aksyon ng mga responder mula sa Biñan City Fire Station, matagumpay na nabuksan ang lugar at nailabas ang biktima.
Batay sa paunang assessment, nagtamo ng contusion sa ulo ang biktima at hindi agad nakakalakad kaya’t agad itong binigyan ng paunang lunas bago isinugod sa ospital gamit ang ambulansya ng barangay.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang dahilan kung bakit na-trap ang biktima sa loob ng CR.
Trending
- Peabo Bryson pumanaw @ 75
- Keanna Reeves, mahilig sa bagets
- Jerald Napoles inintriga dahil ‘feeling pogi’
- Mga serbisyo inilapit ng DAR sa mga magsasaka sa Batangas
- Rep. Sandro Marcos, dawit sa nakatanggap umano ng maletang pera
- Cayetano, pinayuhan si Gatchalian: ‘Wait for your time’
- Tag-ulan sa PH, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA
- 18 Ex-Marines, magpapasa ng bagong affidavit

