Ibinunyag ng komedyanteng si Bearwin Meily at ng kanyang misis na si Lara ang pinagdaanan nilang pagsubok sa kanilang pagsasama, kabilang ang isyu ng pagtataksil at ang kanilang paglalakbay tungo sa pagpapatawad at paghilom.
Inamin ni Lara na nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki—isang taong kilala rin nilang mag-asawa.
Ikinuwento naman ni Bearwin ang sakit na kanyang naranasan habang nararamdaman niyang may mali na sa kanilang relasyon.
“May times na sweet pa naman si Lara sa akin, but ‘yung sweetness niya, alam ko na there’s something. I was really crying to the Lord. I know it’s happening, but I’m praying to God—’Huwag sana, huwag sana.’ Kaya lang, pinayagan ni Lord,” ani Bearwin habang naluluha.
Ayon kay Lara, umabot sa puntong muntik na niyang iwan ang kanyang pamilya para sa ibang lalaki, ngunit nagbago ang lahat matapos ang isang karanasang itinuring niyang “divine intervention.”
“Umalis ako ng bahay. Imi-meet ko ‘yung guy. Do’n sa door ng taxi merong gospel. It says there, ‘Ano ang pinakamahalagang desisyon ng buhay mo?’ […] When I met the guy, I told him, ‘It’s enough,’” pagbabahagi ni Lara.
Kalaunan ay inamin din niya ang lahat kay Bearwin.
Sa kabila ng matinding pagsubok, pinili ni Bearwin ang magpatawad at ipaglaban ang kanilang pamilya.
“Every time I feel an attack, sabi ko palagi, ‘Lord, I forgive my wife, I love my wife.’ Sino bang perpekto? Makasalanan din ako. Pinatawad lang din ako ni Lord. Magulo rin ako. Bastos din ‘yung pag-iisip ko. Sino bang malinis?” ani Bearwin.

Share.
Exit mobile version