Nabigla at napa-“aray” na lang si Bea Borres matapos madisgrasya ang kanyang luxury car na Toyota Alphard—na hindi pa man lang umaabot ng isang taon sa kanya.
Sa sunod-sunod niyang Instagram Stories, ibinandera ni Bea ang naging damage ng sasakyan habang nasa kalsada, kalakip ang kanyang disbelief at inis sa nangyari.
“It hasn’t even been a year, nabangga na alphard ko,” sey niya.
Hindi rin napigilan ng content creator na haluan ng humor ang sitwasyon kahit halatang stressed.
“Lord what sign are u giving me… gusto ko lang kumain ng sushi,” biro niya, sabay rant sa abalang idinulot ng insidente sa araw niya.
Sa gitna ng inis, nagawa pa niyang gawing light ang mood sa pamamagitan ng kanyang “domino effect” theory, kung saan pabiro niyang sinisi ang simpleng pagkakalimot mag-sunscreen bilang umpisa ng kamalasan.
“Domino effect: this started when i forgot to apply my sunscreen. always wear ur sunscreen,” pagbibiro nito.
Ibinahagi rin ni Bea ang practical side ng kanyang karanasan, lalo na pagdating sa gastos sa gasolina, kaya mas pinipili niyang gamitin ang Alphard kaysa sa iba pa niyang sasakyan.
“Haven’t been using my everest cuz gas is so expensive BRUHHHHHHHHHHH,” aniya.

Share.
Exit mobile version