Lalong umugong ang espekulasyong may problema sa pagsasama nina Baron Geisler at asawa niyang si Jamie matapos ang sunod-sunod nilang cryptic posts sa social media.
Nagsimula ang usap-usapan nang mag-iwan si Jamie ng komento sa sponsored post ng aktor tungkol sa isang clinic, kung saan hinikayat niya itong maghanap ng tulong para umano sa pinagdaraanan nito.
“Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems,” pahayag ni Jamie.
“I doubt a facial can heal that,” dagdag pa niya.
Bagama’t nabura na ang naturang komento, nanatiling tahimik si Baron sa isyu.
Sa halip, nagbahagi siya ng ilang reposts sa social media, kabilang ang mensahe tungkol sa mga taong naninira at isang video tungkol sa pagharap sa hiwalayan.
“When a woman leaves you, she does it for one reason only. She thinks that she can do better… Your attitude has to be ok. I’ll be fine without you. Period… ‘She’s not yours’, it’s just your turn,” mababasa sa repost ng aktor.
Samantala, nagbahagi rin si Jamie ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram Story na lalo pang nagpasiklab sa mga haka-haka.
“The word of the day is: GASLIGHTOPIA… The fantasy world where manipulators are convinced they’re the victims,” ayon sa kanyang IG Story.
Dahil sa mga naturang posts, marami ang nagtatanong kung tuluyan na bang nagkahiwalay ang mag-asawa.
Sa ngayon, wala pang direktang pahayag sina Baron at Jamie upang kumpirmahin o pabulaanan ang isyu.
===
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
