Magpapatuloy ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections na nakatakda sa Setyembre 14, ayon sa Malacañang nitong Lunes.
“Hindi po ako makakapagbigay ng update sa ngayon dahil hindi po ako nabigyan ng anumang detalye, but tuloy po ang eleksyon,” ani Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Noong Linggo, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na na-deploy na ang lahat ng election paraphernalia para sa kauna-unahang parliamentary elections sa mga local hub.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na ide-deliver ng kanilang mga tauhan ang election materials mula sa mga local hub patungo sa 105 munisipalidad at dalawang lungsod sa BARMM bago ang Setyembre 8.
Samantala, muli ring tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili ng seguridad para sa naturang eleksyon at mahigpit na mino-monitor ang mga insidente ng karahasan.
====

Share.
Exit mobile version