Mas gugustuhin ni Barbie Forteza na magpahinga kaysa magkaroon ng bonggang selebrasyon sa nalalapit niyang kaarawan sa katapusan ng Hulyo.
Ayon sa aktres, ang plano niya ngayong birthday ay matulog lang at magsalo sa isang simpleng family dinner kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
“Matutulog. Yes, I’m gonna sleep,” sey niya sa panayam sa isang news program.
Ibinahagi rin ni Barbie na taun-taon ay mas pinipili niyang maging simple at intimate ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kaysa magarbong handaan.
Excited na rin ang aktres sa maituturing niyang advance birthday gift—ang kanyang pelikulang “Saving Cherry” sa ilalim ng Regal Films na mapapanood na sa mga sinehan simula September 2.
Sa July 31 naman ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-29 na kaarawan.
====
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
