Naging usap-usapan sa social media si Barbie Forteza matapos magbahagi ng isang misteryosong post na tila may kaugnayan sa kasal.
Sa kanyang social media account, makikitang nakasuot si Barbie ng tila bridal gown sa mga larawang kanyang ibinahagi. Gayunman, hindi nito ipinaliwanag kung ano ang konteksto ng naturang mga larawan.
Mas lalong nagpausisa sa mga netizen ang caption ng aktres.
“I’ve waited for this for so long,” ani Barbie.
Sinundan pa niya ito ng isa pang pahayag na lalo pang nagpasiklab sa mga espekulasyon ng kanyang mga tagasuporta.
“Nobody can ruin my big day.”
Dahil sa wedding-themed na mga larawan at makahulugang mensahe, marami ang nag-isip kung ito ba ay patikim para sa isang bagong teleserye, pelikula, espesyal na proyekto o iba pang sorpresa mula sa aktres.
Gayunman, wala pang karagdagang detalye na ibinunyag si Barbie tungkol sa tunay na kahulugan ng kanyang post.
Agad namang bumaha ng komento mula sa kanyang mga tagahanga. Marami rin ang nagtanong kung may kinalaman ba ito sa isang bagong programa, pelikula o endorsement project.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kay Barbie kung ang naturang wedding teaser ay bahagi ng isang showbiz project o may iba pang kahulugan.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
