Handa nang iwan ni Barbie Forteza ang ilan sa nakasanayang imahe niya sa telebisyon habang papasok siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay at karera sa pag-arte.
Habang papalapit ang kanyang ika-29 na kaarawan sa Hulyo 31, sinabi ng Kapuso actress na bukas na siya sa pagtanggap ng mas mature na mga papel na magpapakita ng iba pa niyang kakayahan bilang artista.
Ibinahagi ni Barbie na malaking hamon at kakaibang karanasan para sa kanya ang pelikulang “Saving Cherry.”
“A liberating experience for me. It’s definitely a different Barbie, a wild Barbie that you have to watch out for,” aniya.
Inamin din ng aktres na may mga eksenang hindi pa nasisilayan ng kanyang mga tagahanga.
“As in may mga medyo-medyo sexy, sexy tayong [scenes]na magaganap,” kuwento pa niya.
Bukod sa pelikula, abala rin si Barbie sa seryeng “Honor Thy Mother,” ang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA, ABS-CBN at Prime Video.
Excited din siyang makatrabaho si Sharon Cuneta, na matagal na niyang hinahangaan bago pa siya pumasok sa showbiz.
Kasama rin sa cast ng serye sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez at RK Bagatsing, habang makakasama naman niya sa “Saving Cherry” sina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl at Khalil Ramos. Sa mga bagong proyektong ito, inaasahan ni Barbie na mas maipapakita pa niya ang lawak ng kanyang talento bilang aktres.
====

Share.
Exit mobile version