Patay ang isang sanggol na lalaki na isang buwang gulang nang sakalin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok Adelfa, Barangay Tres de Mayo, Digos City, noong Hunyo 21, 2026.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Baby Cedrix,” habang ang kanyang ina ay nakilalang si alyas “Jocelyn.”
Batay sa mga paunang ulat, nakarinig umano ng malakas na pag-iyak ng sanggol ang mga kapitbahay kaya agad nilang sinuri ang sitwasyon.
Pagdating nila sa bahay, nakita umano nilang sinasaktan ng ina ang bata.
Sinubukan pa umanong iligtas ng mga residente ang sanggol, ngunit huli na ang lahat.
Ayon sa ulat, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang bata na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang ina habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye at motibo sa insidente.
Posible rin siyang maharap sa kasong parricide kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak.
Patuloy namang hinihintay ng mga awtoridad ang resulta ng kanilang imbestigasyon para sa pormal na pagsasampa ng kaukulang kaso.

Share.
Exit mobile version