Present ang TV host at aktres na si Kim Chiu sa isang masayang bonding kung saan game na game niyang biniro ang kanyang matalik na kaibigan at kapwa host na si Robi Domingo.
Sa Facebook post, makikitang nakaupo si Kim habang masayang hinihimas ang tiyan ng nagdadalang-taong asawa ni Robi na si Maiqui Pineda.
Todo tawa naman ang mag-asawa nang isigaw ni Kim ang salitang: “Daddy! Daddy club ka na!” kay Robi.
Masayang-masaya si Kim sa bagong yugto ng buhay ng kanyang kaibigan, kaya naman agad niya itong ibinahagi sa kanyang Instagram page kalakip ang caption na “Daddy club na si Robi.”
Dahil sa nakakahawang vibes ng video, hindi napigilan ng mga netizen at fan na kiligin, partikular na ang mga shipper ng tambalang “KimPau” nina Kim at Paulo Avelino.
Bumuhos agad ang iba’t ibang hirit ng followers sa comment section na nag-aabang na rin sa susunod na kabanata ng buhay pag-ibig ng aktres.
Tila mas excited pa sila kay Kim na makita itong maging isang ina sa hinaharap.
Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang followers:
“Next time sana mommy ka na rin Kim Chiu, sure maganda rin yon.”
“Next time kaw naman sana mkta nmen na maging mommy excited n kme sau.”
Hindi rin pinalampas ng solid KimPau fans ang pagkakataon na isama sa pangarap ang aktor na si Paulo, kung saan may nagbiro pa tungkol sa pagkakaroon ng kambal:
“Sa, susunod Babe Paulo Daddy Club kana may kambal na tayo.”
“Sa susunod ikaw na kimmy for twins #PauloAvelino beke naman naghihintay na kami ng twins ninyo.”
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing

