Okray to the max ang inabot ni Ashley Ortega dahil sa suot niya sa isang recent event–mukha daw kasing pantulog!
Nasabihan tuloy si Ashley ng mga bashers that she should have stayed home kesa lumabas at rumampa sa Smart Araneta Coliseum with the outfit she wore.
Basketball game kasi ‘yon ng mga Kapuso; entonces, maraming tao.
Ayon naman sa depensa ni Ashley, may kamahalan daw ang kanyang attire.
Even then, her bashers believed her outfit wasn’t appropriate sa okasyon–kasi nga’y mukhang pantulog.
Eh, ang presyo pa mandin niyon ay US$150–if converted ay mahigit P9k.
Sey naman ng mga defenders ni Ashley, inspired daw ni Olivia Rodrigo ang suot niya.
Nakitaan din naman daw si Taylor Swift ng mala-pantulog ding outfit.
Sa mga local celebrities, minsan na ding nagsuot ng mala-pantulog na OOTD si Cristine Reyes.
Yet how come she was able to get away with it nang hindi inookray?
Pinagtabi pa nga ang mga larawan nina Cristine at Ashley–pero ang huli lang ang wagas kung i-bash.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
