Sa isang panayam, naurot si Arci Muñoz hinggil sa mga batikos na diumano’y suki siya ng pagpaparetoke.
Marami kasi noong mga nagmamahadera ang nakakapansin na ang dami umano niyang enhancements na ipinagawa sa kanyang fez, ilong at maging sa labi.
Sey naman ng aktres, di na raw siya nabo-bother sa mga batikos sa kanya pagdating sa kanyang hitsura.
Kumbaga, keber na lang daw ang attitude niya sa kanyang bashers.
“I was never bothered. I never gave a s**t. Everyone knows I’ve had that kind of attitude ever since,” aniya.
Sey pa niya, wala naman siyang nakikitang masama sa pagpapa-enhance lalo pa’t wala naman siyang tinatapakang tao.
“Considering how vocal I used to be about my facial improvements, I may say that I am an OG now that everyone is willing to do physical enhancements,” paliwanag niya.
“Tapos na ako riyan,” dugtong niya.
Sa kanyang mensahe sa kanyang detractors, sinabi niya na hindi na rin daw importante sa kanya ang sasabihin ng mga mema as long as masaya siya sa mga ginagawa niya.
“Never ako na-bother. I just do what I do and I do what I love as long as I am happy. I don’t really care what other people say,” pagtatapos niya.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

