Nagkaroon ng pagkakataong magkita at mag-bonding sa Singapore ang matalik na magkaibigang sina Anne Curtis at Raymond Gutierrez.
Ibinahagi ni Anne ang ilang larawan mula sa kanyang Singapore trip at nilagyan ito ng caption na, “Chanel-maxxing because I work my ass off. Disclaimer: was also here for a check up so why not right? Haaaaaaappy Sunday!”
Hindi naman nagpahuli si Raymond sa pagkomento sa post ng aktres.
“No one deserves it more!!! Such a fun day!” sey ng TV host.
Ayon kay Raymond, nagkataon lamang na pareho silang nasa Singapore dahil mayroon din siyang event sa naturang bansa.
Kuwento pa niya, nagpa-check-up muna si Anne sa umaga bago sila nagkita sa isang branch ng Chanel kung saan nag-shopping ang aktres-host.
Dagdag pa ni Raymond, ang ilan sa mga pinamili ni Anne ay gagamitin umano nito para sa promotional activities ng kanyang nalalapit na pelikula.
Sa kabila ng kanilang abalang schedule, nagkaroon pa rin ng oras ang magkaibigan para magkumustahan at mag-enjoy sa kanilang bonding moment abroad.
Trending
- Alyssa Valdez at Ara Galang magsasama sa pambansang koponan
- 6 atleta ng pentathlon, kwalipikado sa Asian Games
- Anne sinamahan ni Raymond mag-shopping spree
- John Prats, na-touch sa reunion nila ni Heart
- Rico close sa lahat ng ex-gf, maliban kay Maris
- Babae, pisak sa bangga ng bus; baby, sugatan
- P15B dagdag na pondo para sa earthquake response
- ERC pinaiimbestigahan sa Ombudsman
