Kabilang nga sa 13 senador si Camille Villar na bumubuo ng mayorya.
Isa siya sa mga bumotong magkaroon ng bagong liderato sa Senado–para mailuklok si Senate President Allan Peter Cayetano.
Viral ngayon ang post ni Camille ukol sa panawagang magkaisa ang mayorya.
Aniya: “Sinuman sa atin ang kakalas sa ating grupo matapos nating makita ang sakripisyo at pag-aalay ng isa sa atin, sa palagay ko, mas masahol pa siya kay Hudas!”
Ang dating nananahimik na si Angel Locsin, pinalagan at sinopla ang pahayag ng senadora.
Resbak ng misis ng negosyanteng si Neil Arce: “Tama lang na huwag kumalas, dahil diyan ka mas nababagay. Mabuti pa nga sa iyo si Hudas, marunong magsisi at kumilala ng pagkakamali!”
Mababasa sa comment section ang mga posts ng netizens tulad ng:
“Greedy Villar family!”
“Are you referring to Loren ‘Paru-paro’ Legarda?”
“Chura ni Camille, cynthianak na cynthianak talaga!”
“Hudas talaga kayo sa bayan! Sayang lang ang boto ng tao sa inyo!”
“Tama si Angel!”
Minsan nang naging co-host ni Willie Revillame si Cynthia Villar, na hindi naman tumagal sa showbiz.
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
