Nasawi ang 73-anyos na American marine biologist matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental.
Ayon sa Sibulan PNP, ang biktima ay kinilalang si Kent Edward Carpenter, at nangyari ang insidente sa Purok 3, Barangay Ajong noong Linggo ng gabi.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nasa sala ang biktima kasama ang 34-anyos na kasama sa bahay nang puwersahan umanong pumasok ang tatlong suspek.
Binaril umano ng isang suspek si Carpenter sa ulo na nagresulta sa agad nitong pagkasawi, at tumakas din kaagad ang mga suspek.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo sa pag-atake.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
