Tinutugis na ng pulisya ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos holdapin ang isang convenience store sa Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna, 9:30 ng gabi nitong Martes.
Batay sa imbestigasyon ng Pagsanjan Police Station, unang pumasok ang isa sa mga suspek sa Alfamart at nagpanggap na kostumer sa pamamagitan ng pagbili ng isang energy drink bago bumunot ng armas at idineklara ang holdap habang nagbabayad sa kahera.
Tinangay ng armado ang perang kinita ng establisimyento bago mabilis na tumakas kasama ang kasabwat sakay ng isang itim na motorsiklo patungong bayan ng Magdalena.
Ayon sa mga testigo ang pangunahing suspek ay nakasuot ng berdeng balaclava, brown na bull cap, puting long sleeves, itim na shorts at armado ng baril, habang ang kanyang kasabwat ay nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, itim na pantalon at puting tsinelas.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation at backtracking ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at madakip ang dalawang suspek.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

