Isang malaking hamon ang ibinato ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. sa kanilang mga atleta matapos niyang ianunsiyo ang P1 milyong reward para sa sinumang makakabasag ng national record sa darating na 2026 Palarong Pambansa.
Ang prestihiyosong kompetisyon ay nakatakdang ganapin sa Agusan del Sur mula Mayo 24 hanggang 31.
Sa isang press conference, nilinaw ng gobernador ang mga kondisyon para makuha ang naturang insentibo.
Ayon kay Cane, ang premyo ay ibibigay lamang kung malalagpasan ng kanilang atleta ang national record at hindi lamang ang record ng Palarong Pambansa.
Binigyang-diin din niya na ang tagumpay ay dapat opisyal na sertipikado ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ani Cane, gusto nilang hamunin ang kanilang mga atleta na basagin ang mga national record at gumawa ng kasaysayan.
Naging inspirasyon sa anunsiyong ito ang naging performance ni Christine Castro sa 100-meter hurdles sa ginanap na Caraga Regional Athletic Games sa Surigao City nitong buwan.
Halos mabasag na ni Castro ang national record na 13.41 segundo matapos niyang maitala ang 14.59 segundo.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

