Hindi na pinatulan ni Atasha Muhlach ang mga puna at intriga bago ang pagsalang niya sa “Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical,” pero ang amang si Aga Muhlach ay may diretsahang payo para sa anak—huwag nang pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.
Naging matagumpay ang opening night ng musical nitong Biyernes sa Newport Performing Arts Theater, kung saan dinumog ng audience ang unang pagtatanghal nina Atasha, Sam Concepcion, KD Estrada at ng iba pang miyembro ng cast.
Bago pa man magsimula ang show, marami na ang curious kung paano dadalhin ni Atasha ang kanyang role dahil sa mga kritisismong natanggap niya.
May ilang audience pa ngang nagbiro na “huhusgahan” nila ang kanyang performance.
Pero pagkatapos ng unang pagtatanghal, mainit na palakpakan ang natanggap nina Atasha at ng buong cast mula sa audience.
Kabilang sa proud na proud sa young actress-host ang kanyang mga magulang na sina Aga at Charlene Gonzalez-Muhlach, na personal na sumuporta sa opening night.
Sa pakikipagkuwentuhan sa entertainment media pagkatapos ng show, hindi itinago nina Aga at Charlene ang kanilang saya sa naging performance ng anak.
Nang matanong naman si Aga tungkol sa mga kritisismong ibinato kay Atasha bago ang musical, sinabi niyang pinayuhan niya ang anak na huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang mga taong pumupuna sa kanya.
Para kay Aga, nagtatrabaho lamang si Atasha at ginagawa ang kanyang trabaho nang walang intensiyong magyabang o patunayan ang sarili sa mga kritiko.
Sa halip na makipagsagutan pa sa mga bumabatikos sa anak, mas pinili ni Aga na imbitahan ang publiko na panoorin mismo si Atasha at ang buong cast ng “Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical” at makita ang kanilang performance.
======
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

