Pormal nang nagsampa ng reklamo ang ilang mga kaanak ng missing sabungeros laban sa abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” ang at iba pa.
Ayon sa isa sa kaanak ng mga nawawalang sabungero na si Dianne Loyola, inihain nila ang reklamong obstruction of justice laban kay Atty. Caroline Cruz.
Ito ay dahil sa pamimigay umano ng pera ng naturang abogado kapalit ng pagbaliktad sa kaso ng mga kaanak ng mga sabungero.
Nasa P20,000 kada kinsenas umano ang natatanggap ng ilang kaanak na pumanig na sa kabilang kampo.
Habang kapalit naman nito ang hindi na pagdalo sa mga pagdinig ng mga kaso laban sa itinuturong mastermind na si Ang.
Pagbubunyag pa ni Loyola, ilang kaanak pa ang pinag-swimming umano sa mismong farm ni Ang.
Kinumpirma ng Justice Department na inilipat na sa Quezon City Regional Trial Court ang mga kaso laban kay Ang na dinidinig sa Lipa, Batangas; Sta. Cruz at San Pablo, Laguna.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
