Nasamsam ang P13.6 milyong halaga ng shabu at naaresto ang dalawang itinuturing na high-value individual sa Magsaysay, Misamis Oriental.
Ayon sa Philippine National Police, isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cabantian noong Linggo, Hunyo 7.
Nasabat ang humigit-kumulang 2,000 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P13.6 milyon, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.
Pinangunahan ang operasyon ng mga yunit ng Philippine National Police Drug Enforcement Group katuwang ang iba pang police units at ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Isinailalim na sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 10 ang mga nakumpiskang droga habang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

