Umabot sa 67 pasahero ang napaulat na sugatan matapos ang salpukan ng dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos Highway sa Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong Sabado ng gabi, Mayo 30.
Nangyari umano ang insidente dakong 8:35 ng gabi nang nawalan umano ng preno ang isang bus na pababa mula Baguio City, tumagilid at bumangga sa isa pang bus na papasok ng lungsod.
Mula umano sa iisang transport company ang dalawang bus.
Agad rumesponde ang Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang mga tauhan mula sa La Trinidad, La Union, Baguio City, Philippine Red Cross, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at iba pang volunteer rescue groups.
Ayon sa Red Cross, 52 pasyente ang isinugod sa Baguio General Hospital, habang 15 pasyente ang in-admit sa La Union Medical Center.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

