Naghain ng resolusyon si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima para imbestigahan ang estado ng Special Education (SPED) program at maging ang Inclusive Learning Resource Centers (ILRC) ng Department of Education (DepEd).
Layon ng House Resolution No. 1044 ni De Lima na alamin ang problema kung bakit hindi naipapatupad ng maayos sa buong bansa ang mga naturang programa para sa mga mag-aaral na mayroong kapansanan.
Paliwanag ni De Lima sa kanyang resolusyon, sa kabila ng mayroon nang mga batas tulad ng Magna Carta for Persons with Disabilities at Inclusive Education Act, hindi pa rin ganap na naipatutupad ang “inclusive education” dahil karamihan sa mga paaralan ay kulang pa sa resources, teacher training at institutional support.
Disabilities in Support of Inclusive Education Act” na naglalayong tulungan ang mga kabataan na may itinuturing na “`learners with disabilities”.
“Hindi kailanman sasapat ang pag-iral lang ng magagandang batas. Nakapanghihinayang na ang batas para sa learners with disabilities ay hindi naipapatupad nang maayos. Malaking pagkukulang ito at pagkakait ng serbisyo para sa maraming indibidwal na may kapansanan at sa kanilang pamilya. We must turn policies into meaningful action,” ani De Lima.
Trending
- Michelle, nawiwindang sa Ms U!
- Pagpapalabas ng ‘Love, NGO,’ pinayagan na ng MTRCB
- Regine, sumailalim sa voice treatment
- Cargo firm kinasuhan sa 36K inabandonang balikbayan box
- Gawad Kalinga founder Tony Meloto inaresto sa Bulacan
- SPED program ng DepEd hihimayin sa Kamara
- NBI pinag-aaralan pag-subpoena sa misis ni Bato
- Pamilya ng missing sabungeros, nagsampa ng obstruction of justice vs abogado ni Atong Ang

