Inihayag ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang liwanag na nakita sa langit sa ilang bahagi ng Pilipinas bandang 8:10 ng gabi nitong Martes, Mayo 12, ay posibleng dulot ng paglulunsad ng rocket ng China.
Sa isang abiso nitong Miyerkoles, sinabi ng PhilSA na inilunsad ang Long March 6A (Chang Zheng 6A) ng People’s Republic of China mula sa Taiyuan Satellite Launch Center bandang 7:58 ng gabi, oras sa Pilipinas.
“The phenomenon is commonly called a ‘space jellyfish’, which occurs when a rocket’s exhaust plume, released at high altitudes, is directly illuminated by sunlight while observers on the ground remain in darkness,” paliwanag nila.
“The expanding plume fans out in the thin upper atmosphere and scatters sunlight, creating a luminous, jellyfish-like glow visible over wide areas during twilight conditions,” dagdag pa nila.
Ayon pa sa PhilSA, walang inaasahang debris drop zone mula sa naturang paglulunsad sa teritoryo o katubigan ng Pilipinas.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

