HINDI sarado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na muling sumapi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) matapos na opisyal na kumalas noong Marso 17, 2019 kasunod ng sunod-sunod na paghahain ng kaso sa The Hague hinggil sa crimes against humanity, dulot ng umano’y extra judicial killings sa “war on drugs” sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte.
Iyon nga lamang ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kailangang pag-aralan sa mga susunod na araw ang bagay na ito.
“Ang huli naming pag-uusap ng Pangulo medyo matagal-tagal na po, sa ngayon ay hindi ka pa po ito muling naitatanong. Ang huli niya pong sinabi ay hindi pa po magri-rejoin,” ani Castro.
“So, kung kinakailangan po sigurong aralin sa mga susunod na araw ay hindi naman po sarado ang Pangulo diyan but sa ngayon ang huli naming pag-uusap ay hindi pa po magri-rejoin,” aniya pa rin.
May ilan kasing eksperto ang nagsabi na maiiwasan ang problema sa pagpapatupad ng ICC warrant of arrest kung kasapi na ang Pilipinas sa ICC.
Matatandaang, noong Marso 17, 2019 nang opisyal na kumalas ang Pilipinas sa ICC kasunod ng sunod-sunod na paghahain ng kaso sa The Hague hinggil sa crimes against humanity, dulot ng umano’y extra judicial killings sa “war on drugs” campaign ni Digong Duterte.
Ang Rome Statute ay isang treaty na lumikha sa International Criminal Court kung saan naging signatory ang Pilipinas noong 1998.

Share.