Sugatan ang apat na pasahero nang sumalpok ang isang pampasaherong bus sa likuran ng nakaparadang truck sa Maharlika Highway sa Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon.
Batay sa imbestigasyon ng Gumaca Municipal Police Station, ala-1:00 ng madaling-araw nitong Biyernes nang mabangga ng St. Jude Transport Lines na biyaheng Bicol-Manila ang isang tractor head truck na pansamantalang nakahinto sa kaparehong linya sa gilid ng kalsada.
Kapwa nagtamo ng matinding pinsala ang bus at truck sa insidente.
Ayon sa pulisya ang mga nasugatan pawang pasahero ng bus, kabilang ang isang menor de edad.
Agad ang mga itong isinugod ng MDRRMO at KALASAG Rescue sa Quezon Provincial Health Network sa Gumaca para malapatan ng lunas.
Ayon sa ilang pasahero, posibleng nakaidlip umano ang driver ng bus bago naganap ang banggaan, bagamat patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Hindi naman nasugatan ang driver ng bus na si Ric, 44-anyos.
Nagpasalamat naman ang mga may-ari ng mga katabing establisimyento dahil hindi nadamay ang kanilang mga tindahan, motorsiklo at traysikel sa aksidente.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

