Nauuso sa mga singer-artist na umiiyak sa kanilang socmed post kaugnay sa magaganap nilang concert.
Matapos ngang ngumalngal o maging emosyonal ni Yeng Constantino nang malaman nitong sold-out ang kanyang concert sa loob lamang ng 6 na oras, gayong sa August pa ito, ang latest na nagbahagi ng kanyang “crying video” ay ang singer-comedian na si Wilbert Ross.
Viral ang pagluha ni Wilbert sa post nito dahil na-sold out agad ang kanyang concert na ‘WRTen by Wilbert Ross’.
Hindi lang ang first night ang sold out, kundi pati na 2nd night sa loob lamang ng 1 oras.
Ngayong July 25 & 26 ang two-nights showbiz anniversary ni Wilbert na gagawin sa New Frontier theater.
Sa video, nagpasalamat si Wilbert sa mga sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan habang umaagos ang kanyang mga luha.
Kuwento nya, ilang araw na syang inaatake ng anxiety sa dami ng mga naiisip nya sa concert. Gaya nang kung mapupuno ba ito o makakaya nyang ma-entertain ang mga manonood.
Kaya napaluha siya sa kaligayahan nang malaman nyang sold-out na ito agad.
Kaya raw siya inatake ng anxiety ay dahil concern sya sa producer na sumugal ng show at nais nyang makabawi ito sa gastos at effort.
Iniisip rin nya na baka maging katapusan na ito ng kanyang singing career at wala nang magtiwala sa kanya.
Nangako naman si Wilbert na hindi nya bibiguin ang mga tagahanga at ibibigay nya ang lahat ng kanyang kakayanan.

Share.