Pasada for A Cause.
Ito ang project name na itinatag ni Heaven Peralejo.
Ginanap ito sa Metro Oil gas station sa P. Tuazon Blvd., Cubao sa Quezon City.
Tinatayang umabot sa 150 ang bilang ng mga jeepney driver na pinagkalooban ng tig-P500 halaga ng gasolina.
Partner ni Heaven ang fanbase na MarVen Royals.
Aware si Heaven sa umiiral na krisis at hirap ng buhay, kung kaya’t masaya daw siya sa kanyang pagtulong.
Ang MarVen ay pinaikling Marco Gallo at Heaven Peralejo.
Nabuo ang nasabing labtim mula nang gawin nila ang online series na The Rain in España.
Nag-streaming ito sa Viva One noong 2023.
Nagkasira rin ang noo’y nagkatuluyang sina Marco at Heaven, but they’ve remained friends.
Isang charity event ang Pasada for A Cause sa panahon ng pagsubok.

Share.