Pararangalan bilang Box Office Heroes sina Maricel Soriano, Richard Gutierrez, Kim Chiu, Paulo Avelino at Vice Ganda sa 9th edition ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), na gaganapin sa darating na Hulyo, 2026 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts sa Pasay City.
Ito ay dahil ang mga pelikulang pinagbidahan nila na ipinalabas noong nakaraang taon ay kumita ng malaki sa takilya.
Pinangungunahan ng Phenomenal Box-office Star na si Vice ang mga pararangalan ngayong taon para sa comedy drama na “Call Me Mother,” na kumita ng P392 milyon sa takilya.
Kikilalanin din ang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa family drama na “Meet, Greet, & Bye,” na kumita ng P260 milyon.
Kasama ring kikilalanin ang screen partners na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa kanilang romcom movie na “My Love Will Make You Disappear,” na kumita naman ng P173 milyon.
Pararangalan din ang aktor na si Richard Gutierrez bilang pangunahing bida sa “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins,” na kumita ng P140 milyon at pinalawig ang long-running horror franchise.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

