Enjoy na enjoy si Jake Cuenca sa pagpapakita ng kanyang sweet side matapos niyang kargahin sa likod si Rabiya Mateo sa isang nakakakilig na moment na ibinahagi niya sa social media.
Sa kanyang Instagram post na may caption na “Movie night,” makikita ang aktor na naka-piggyback ang beauty queen habang papasok sila sa isang venue—eksena na agad pinag-usapan at kiniligan ng fans.
Mas lalong napansin ng netizens ang pagiging open ng dalawa sa kanilang sweet moments, na tila patunay na mas lumalalim na ang kanilang samahan.
Hindi na rin lingid sa publiko ang sunod-sunod nilang bonding—mula sa gym dates, motor rides, hanggang sa kanilang chill trip sa Baguio.
Bagama’t “exclusively dating” pa lang ang ibinigay na label ni Jake sa kanilang relasyon noon, marami ang naniniwalang mas seryoso na ito ngayon, lalo’t ilang beses na silang namataang magkahawak-kamay sa iba’t-ibang okasyon.
Sa bawat pasilip nila ng kanilang moments, lalong tumitindi ang kilig na hatid nina Jake at Rabiya sa kanilang mga tagahanga.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

