No two people are alike.
Pero nakakita ang mga netizens ng similaridad sa katauhan nina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Heart Evangelista.
Hindi sa aspeto ng kanilang pagiging artista ang isyu kundi sa kanilang mga respective partners.
Both Vilma and Heart are married to men from the government–ang una kay Executive Secretary Ralph Recto, ang huli kay Senator Chiz Escudero.
Amidst the issue on the flood control anomaly, nagpahayag na ng pagkadismaya ang taumbayan kay Chiz.
Sadly, damay ang walang kamuwang-muwang na si Heart na binabarag dahil sa kanyang lifestyle.
Unfair dahil Heart is her own person–mula sa disente’t matinong angkan na galing sa kanyang pinagpaguran sa showbiz at iba pang sources ang kung anuman ang naipundar niya.
Sa kaso ni Vilma, damay rin siya sa inis kay Ralph sa pagiging “sipsip” sa Presidente sa financial side.
Para lang daw magpalapad ng papel kay PBBM ay taumbayan naman daw ang nagdudusa sa mga ipinapataw na buwis tulad ng VAT.
“Lest Ralph forget, he should not serve at the pleasure of the President kundi para maglingkod sa bayan,” ayon sa mga netizens na buwisit din kay Vilma.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

