Dream come true para kay JM de Guzman ang makapareha bilang leading lady si Shaina Magdayao matapos ang matagal niyang paghanga rito.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktor na bata pa lang siya ay magkasama na sila sa “Ang TV 2,” at noon pa man ay pangarap na niyang maging leading lady si Shaina.
“Bata palang ako magkasama kami sa ANG TV 2, pangarap ko na maging leading lady si Ms. @shaina_magdayao,” saad ni JM, sabay biro na marami rin daw sigurong makaka-relate sa kanyang naging wish noon.
Nag-react naman si Shaina sa naturang post at tinawag si JM na mula sa pagiging “dear brother” ay naging leading man na niya ngayon.
“Work is so much easier and fun because of your generosity as my scene partner. Salamat. Salamat 100 and weve only just begun. Woot woot,” mensahe ng aktres.
Hindi rin nagpahuli si JM at nagpasalamat kay Shaina, sabay sabing grateful siya sa pagkakataon na makatrabaho ito.
“Thank you sister! Grateful and blessed walang bola! Thank you thank you thank you,” tugon ng aktor.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

