Patuloy na mararanasan ang mainit na panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw dahil sa epekto ng high pressure area na malapit sa Luzon.
Ayon sa weather update ni Bilyonaryo News Channel Resident Meteorologist Benison Estareja sa “Agenda”, base aniya sa latest tropical cyclone potential ng Pagasa, maliit na ang tsansa na may bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa matapos ang buwan ng Abril.
Patuloy ding makararanas ng mataas na heat index ang ilang bahagi ng bansa partikular na ang Cotabato City; Baler, Aurora; Dumangas, Iloilo at Borongan, Eastern Samar, ayon pa kay Estareja.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matagal na pagkabilad sa araw at uminom ng sapat na tubig upang makaiwas sa heat exhaustion at iba pang sakit na dulot ng sobrang init ng panahon.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

