Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro nito na maaaring makapag-avail ng benefit package para sa heat-related illnesses sa gitna ng mainit na panahon.
Ayon sa state insurer, maaaring ma-avail ang benefit packages para sa common summer at heat-related illnesses sa accredited na ospital ng Philhealth sa buong bansa, na makakatulong para mabawasan ang gastos mula sa sariling bulsa ng mga pasyente.
Para sa heat stroke, heat exhaustion, heat collapse, heat cramp at sunstroke, maaaring makakuha ng P12,675 benefit package.
Para naman sa heat fatigue, at iba pang epekto ng init at light (liwanag), P18,135, para naman sa katamtaman hanggang sa malubhang dehydration maaaring makakuha ng P7,800 benefit package.
Para sa Varicella/chickenpox na walang komplikasyon – P7,800, sa Typhoid fever – P19,500, para sa sore eyes/conjunctivitis- P16,575, infectious diarrhea/acute gastroenteritis – P11,700 at kapag nagkaroon ng toxic effect sa kontak sa isda at iba pang marine animals gaya ng jellyfish, sea anemone, shellfish at starfish – P11,115.
Ipinaalala rin ng state insurer na saklaw ng Outpatient emergency Care Benefit Package ang emergency health care needs gaya ng heat-related at iba pa na maaaring ma-avail sa accredited Level 1-3 hospitals.
Ayon kay PhilHealth President at CEO Dr. Edwin Mercado, nakahanda ang state insurer para protektahan ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagsigurong available ang benefit packages nasaan man sila at anuman ang panahon.
Trending
- Mahigpit na regulasyon sa LPG industry, itinutulak
- Matinding init patuloy, walang bagyo ngayong Abril
- Mataas na suweldo, plantilla position para sa mga komadrona itinulak
- Gen Z mas tumibay sa gitna ng krisis – Cayetano
- Edukasyon, licensure, training ng guro, irereporma sa Senado
- Meralco customers, aasahan ang pagtaas ng singil sa kuryente simula Setyembre
- 1.3M Pinoy maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis
- PhilHealth: benefit package para sa heat-related illnesses

