Kaybilis talaga ng panahon.
Mag-iisang taon na kasing pumanaw ang National Artist for Film and Broadcast Arts at nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor nitong April 16.
Ikinagulantang nga, hindi lang ng kanyang milyun-milyong tagahanga ang biglang pamamaalam ni Guy, kundi ng buong sambayanang Pilipino.
Matatandaang nalagutan ng hininga ang premyadong singer-actress ilang oras nang sumailalim sa isang heart procedure.
Madaling araw noong April 16, 2025 nang iulat na pumanaw si Nora sa ospital.
Sa Heritage Park siya ibinurol at doon na rin inilagak ang kanyang mga labi.
Tulad ng inaasahan, nabahiran ng intriga ang pagpanaw ni Nora, kasabay din ng napakaraming makaantig-damdaming kuwento tungkol sa kanyang pagiging sobrang mapagbigay.
Ilan lang sa mga hanggang ngayo’y isyung pinag-uusapan tungkol kay Nora ay ang relasyon ng kanyang mga anak sa isa’t-isa.
Gaya ng alam ng lahat, si Ian lamang ang nag-iisang biological child ni Nora kay dating mister at aktor na si Christopher de Leon.
Ang iba’y legal na inampon ng dating mag-asawa na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth, all surnamed de Leon.
The past months had seen a disunited family, kung saan may ilang pagkakataong hindi nakukumpleto silang magkakapatid sa mga importanteng okasyon.
Nagdaos ng misa sa mismong puntod ni Nora sa Heritage Park, kung saan marami ang dumalo na kapwa artista at mga tagahanga.

Share.