Nilinaw ng Malacañang na hindi direktang sa Malaysia binili ang diesel shipment ng pamahalaan matapos itanggi ng Petronas na may direkta itong kasunduan sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dumaan ang transaksyon sa Vitol Asia Private Ltd., isang energy trading company na nakabase sa Singapore.
Aniya, dito direktang bumili ang gobyerno ng diesel, kahit na mula sa Malaysia ang pinanggalingan ng produkto.
Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na dumating na sa bansa ang shipment na binili sa pamamagitan ng Philippine National Oil Company o PNOC.
Mahigit 52 milyong litro ng diesel ang kasama sa shipment na layong madagdagan ang suplay ng langis sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Tiniyak naman ng pamahalaan na may sapat na suplay ng langis sa bansa habang patuloy ang epekto ng kaguluhan sa naturang rehiyon.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

