Umaabot na sa 3,909,634 ang nagparehistrong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Comelec, kabilang dito ang 2,017,757 babae at 1,891,877 lalaki na nagparehistro simula Oktubre 20, 2025 hanggang ngayong buwan ng Abril.
Naitala ang pinakamalaking bilang ang Calabarzon na may 642,217, na sinundan ng Central Luzon (434,920) at National Capital Region (397,540).
Nakapagtala rin ang Bicol Region ng 235,596 at Central Visayas ng 230,838.
Inihayag naman ng Comelec na magpapatuloy ang Special Register Anywhere/Anytime Program (SRAP) hanggang Abril 21 at ang nationwide voter registration hanggang Mayo 18.
Nakatakda ang BSKE ngayong taon sa Nobyembre 2.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

