Tumama ang kumalat na balita at hula ng mga netizen kung saang bansa nagpunta si Kathryn Bernardo bago mag-Holy Week.
Mismong si Kathryn na ang naglabas ng resibo na nagpunta talaga ito ng Bhutan at hindi lang sa Thailand gaya ng naunang kumalat na mga larawang kuha sa isang mall sa Bangkok kasama ang rumored kasintahang si Lucena Mayor Mark Alcala.
Gaya ng naunang reels ni Kathryn na naghahanap ng masarap na Tum Yum, at nagpadpad nga sila sa Thailand, ang latest IG post nito na pareho ang concept na naghahanap ito ng makakasama para sa ‘the best hiking experience’.
At ipinakita nga nito ang mga eksenang nagha-hiking sa Bhutan. At ang last frame ng video ay sa cliff kung saan nakatayo ang isang bahay o temple.
Sabi pa ni Kathryn sa caption ng kanyang reels, “This trend again…makes it Bhutan edition”.
Abangers na lang ang mga netizen kung paano mag-ala detective ang solids ni Kathryn para maresibuhan na kasama nya si Alcala.
Katulad ito ng ginawa nilang pag-screen shot sa braso ni Kathryn at ang paglitaw ng bracelet ng public servant sa parehong trend, isang patunay na kasama nga ni Kathryn si Alcala sa kanyang Thailand vacay.
Ang spotted video ni Kathryn na namimili ng backpack sa isang mall o sa Ikea, ay posibleng gamit nya sa Bhutan.
Samantala, umani ng suporta si Kathryn sa kanyang mga kaibigan sa hiking na ito sa Bhutan.
Alam ng mga itong ‘dream-come-true’ ito sa aktres at deserve niya ang ganitong adventure.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

