Dahil sa saya sa kanyang personal na buhay, tila mas lalong nagiging creative si Aiko Melendez ngayon.
Sa unang pagkakataon sa kanyang mahabang karera, sinubukan ng aktres at konsehal ang magsulat ng sariling kanta, at kamakailan ay nai-record na rin niya ito sa isang studio.
Marami ang naniniwala na may malaking kinalaman dito ang relasyon niya sa boyfriend na si Onemig Bondoc, na ayon sa mga nakapaligid sa kanila ay nagbibigay ng positive at light na vibe sa kanya.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Aiko na espesyal sa kanya ang kantang ito dahil hindi lang siya ang kumanta, kundi siya rin mismo ang sumulat nito—isang bagay na ngayon lang niya nagawa sa tagal niya sa industriya.
“Another milestone unlocked! (emojis musical notes), I just finished recording my newest song this afternoon which I wrote too and my heart is so full,” caption nito sa Instagram.
“This project is truly special to me not just because of the music, but because of the incredible people who helped bring it to life. Musical arrangement was beautifully crafted by none other than Sir @marvinq of Neo Colors, whose artistry and passion elevated the song to another level. And of course, I’m beyond grateful to my amazing vocal coach, Ms.@mommyolive for guiding me every step of the way and helping me give my best in the studio,” dagdag pa nito.
Excited na rin ang aktres dahil susunod na nilang gagawin ang music video ng kanyang awitin, na inaasahan niyang maipapakita sa publiko sa lalong madaling panahon.
“This is just the beginning… because we’re taking it even further! We’re set to shoot the official music video soon, to be directed by @tomnava and I honestly can’t wait for all of you to see and feel what we’ve created. Excited, nervous, and grateful all at once. Malapit na… and I hope this song finds a place in your hearts. (emojis heart and mic),” sey pa ni Aiko.
Umani naman ng suporta ang kanyang bagong venture, kung saan maraming fans ang natuwa at umaasang masundan pa ang kanyang pagpasok sa mundo ng musika.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

