Opisyal nang itinalaga si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban, ayon kay Senador Robin Padilla.
Si Duterte ay pinangalanan bilang acting president ng partido noong Hunyo matapos na umalis sa pwesto si Padilla at tumutok sa kanyang trabaho bilang senador.
Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, Abril 11, inanunsyo ni Padilla na opisyal nang manunungkulan bilang pangulo ng partido si Duterte.
“The Mayor of Davao City has been officially appointed as President of PDP-Laban! Brother of the Vice President and son of former President Rodrigo Roa Duterte. Long live Mr. Sebastian ‘Baste’ Duterte!!” sinabi ng senador.
Si Baste ang executive vice president ng PDP Laban bago maging pangulo.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

