Mainit-init na tsismisan ngayon sa social media ang ginawang pagre-repost ng aktres na si Kaila Estrada sa video ng rumored dyowa niyang si Daniel Padilla habang naglalaro ng golf.
Sa kanyang Instagram Story nitong Friday, April 10, ibinahagi ni Kaila ang clip ni Daniel na seryoso sa paghampas ng bola sa isang golf course sa gabi.
Ang nasabing video ay orihinal na reels mula sa isang golf tournament sa Vineyard Golf Club sa Tanauan, Batangas, kung saan kalahok ang aktor.
Dahil sa simpleng pag-flex na ito, muling nabuhay ang kilig ng mga faney ng tambalang “KaiNiel”.
Maraming netizens ang nag-comment na mukhang “proud girlfriend” ang peg ng anak nina John Estrada at Janice de Belen.
Trending
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round ng Madrid Open doubles
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- 3 estudyante dinukot ng rebeldeng grupo
- Bulkang Kanlaon muling bumuga ng abo
- Panibagong forest fire sumiklab sa bundok sa Laguna
- Sari-sari store owner nasimot higit P81k sa Gcash scam
- 5 sangkot sa ilegal na notary public huli sa Maynila
- Farm, training center sa Cagayan, pinadlak sa illegal recruitment

