Matapos ang halos tatlong dekada, muling nagreyna ang Colegio de San Juan de Letran sa NCAA Women’s Volleyball!
Ito’y matapos nilang patumbahin ang defending champion na De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) Lady Blazers sa isang makapigil-hiningang Game 3 ng NCAA Season 101 Women’s Volleyball Finals nitong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa pamamagitan ng iskor na 15-25, 25-17, 26-24, 17-25, 15-12, tuluyang winakasan ng Lady Knights ang 28 taong pagkagutom sa korona at pinigilan ang tangkang “five-peat” o ikalimang sunod na titulo ng Lady Blazers.
Ito ang unang kampeonato ng Letran mula pa noong 1998.
Espesyal din ang tagumpay nilang ito dahil ang coach ngayon ng koponan na si Mayeth Carolino ay siyang bumida bilang manlalaro noong huling mag-back-to-back champions ang Lady Knights sa huling bahagi ng dekada ’90.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

