Naghayag ng interes si Heartthrob actor Piolo Pascual na magkaroon ulit ng isa pang anak bukod kay Iñigo Pascual.
Si Iñigo ay anak ni Piolo sa dating non-showbiz partner niyang si Donnabelle Lazaro.
Sinabi umano ni Piolo sa BDO Media Day event na naghahangad siya ng isang taong makakausap.
“I’ve been single for some time now. But of late, I kind of feel that you want to be able to have someone you can talk to. Just to have someone,” saad ni Piolo.
“But baby-wise,” pagpapatuloy ng aktor. “I don’t think I’m ready. My son is just 28. Maybe mauna na siya. But when it happens, why not?”
Sa kasalukuyan, sobrang masaya raw si Piolo sa buhay niya bagama’t hindi rin naman niya sinasabi na nakakatuwang maging single.
“There are pros and cons. But options-wise, I wouldn’t want to have a kid without a partner, of course. I would want to have a wife first before I have a kid,” dugtong pa niya.
Matatandaang sa isang panayam noong Enero 2025, inamin ni Piolo na mahigit isang dekada na siyang walang lovelife.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

