Nagluluksa ang mundo ng sining at komedya matapos kumpirmahin ang pagpanaw ng kilalang stand-up comedian at impersonator na si Michelle O’Bombshell.
Ang komedyante, na sa tunay na buhay ay si Roderic Cuntapay, ay iniulat na sumakabilang-buhay nitong Lunes, April 6.
Bagama’t kumpirmado ang malungkot na balita, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Cuntapay hinggil sa kanyang edad at sanhi ng kamatayan.
Bumuhos ang pakikiramay sa social media mula sa mga kasamahan sa industriya na itinuturing siyang hindi lang katrabaho kundi isang mahalagang mentor at kaibigan.
Isa sa mga unang nagbigay-pugay ay ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas.
Sa isang madamdaming Facebook post, ibinahagi ni Tuesday na si O’Bombshell ang nagturo sa kanya kung paano magsulat at mag-perform.
“Para sa akin ikaw ang nag iisang Ador ng buhay ko. Nung isang araw lang ay naalala kita tapos nagising ako ngayon sa balitang ito. You will be missed Ador,” saad niya. “Hanggang ngayon ndi ko matanggap pa pero alam kong nasa piling ka na ng Diyos.”
“Hindi naging mabait ang mundo sa atin pero hanggang sa huli ay performer ka pa din at nagbibigay saya kahit minsan ay mahirap na. Mahal ka namin Ador. Rest in power. I will forever be grateful to you,” pagtatapos niya.
Nakilala si Roderic sa kanyang mahusay at nakatutuwang panggagaya sa dating US First Lady na si Michelle Obama, na naging trademark na niya sa mga comedy bar at telebisyon.
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law

