Pinawalang-sala ng Commission on Audit (COA) sa pananagutan ang Philippine General Hospital (PGH) head nurse sa pagkawala ng P60 milyong halaga ng medical equipment na nasunog noong 2021.
Ayon sa COA, walang ebidensiya ng kapabayaan si Ma. Teresa Bascara habang nasa kanyang kustodiya ang mga kagamitan.
Nasira ang mga ito nang masunog ang ikatlong palapag ng Central Block ng Philippine General Hospital noong Mayo 16, 2021, kung saan nadamay ang iba’t ibang sterilization equipment.
Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, aksidente ang sunog at dulot ng electrical failure mula sa nag-overheat na mga makina.
“In this case, this Commission finds no fault or negligence which may be attributed to Ms. Bascara for the loss of the hospital equipment and medical instruments,” ayon sa COA.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

