Napailing sa gulat si Rocco Nacino matapos niyang ibahagi ang umano’y sobrang taas na singil sa kuryente.
Sa kanyang post, diretsahan niyang kinuwestiyon ang tinatawag na “differential bill” na umabot umano sa mahigit P31,000 bukod pa sa kanyang regular na bayarin.
“I am being billed for a differential bill of 31k plus. Saan galing ‘yan at ano basis ninyo for a ‘differential’ bill aside from my monthly bill?” tanong ng aktor.
Mas lalo pa siyang naalarma nang ibahagi niyang may dumating umanong technicians para sa posibleng disconnection kahit hindi pa malinaw sa kanya ang dagdag na singil.
“Nakakapagtaka na doble-doble ang bills,” dagdag pa niya, sabay tanong kung may iba rin bang nakaranas ng ganitong sitwasyon.
Kalaunan, nilinaw ni Rocco na nakipag-ugnayan na sa kanya ang kanyang electric provider para ipaliwanag ang naturang charge, at tuluyan na rin niyang na-settle ang bayarin matapos itong maipaliwanag.
Gayunpaman, isang bagong realization ang bumungad sa aktor nang makita niya ang kanyang billing history.
“Pagrequest ko ng billing history, 6 digits na ang annual na binabayad namin sa kuryente. Jusko…” saad niya.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

