Excited na ang mga theater fans dahil muling aarangkada si Lea Salonga sa international stage para sa “Les Miserables: The Arena Spectacular” sa Singapore.
Gagampanan muli ni Lea ang papel bilang Madame Thénardier, isang karakter na una na niyang ginawa sa Manila run ng concert version ng Les Miserables.
Makakasama pa rin niya ang kapwa Pinoy performer na si Red Concepcion bilang Thénardier, na lalo pang inaabangan ng fans dahil sa kanilang mahusay na tandem.
Gayunpaman, hindi na makakasama sa produksiyon si Rachelle Ann Go, na bahagi rin ng naunang pagtatanghal.
Sa ngayon pa lang, dagsa na ang interes ng publiko dahil halos maubos na ang tickets para sa limitadong seven-week run nito sa Marina Bay Sands mula Marso 24 hanggang Mayo 10, 2026.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

