Mukhang magtatagal pa sa Australia ang anak na dalaga ni Dimples Romana.
Kinuha ng isang aviation company na Airways Aviation Australia si Callie Ahmee para maging instructor.
Nakaposte ito mismo sa IG account ng nasabing flying school at winelcome ang dalaga ni Dimples bilang bago nilang instructor.
Kaya naman inulan ng maraming congratulations comments ang post mula sa mga kaibigan ni Dimples.
Mababasa sa reaksyon ang mga katagang “you must be proud”, na sinasagot naman ni Dimples ng “Everyday”.
Ang ilan naman ay inakalang piloto na sa local airline si Ahmee.
“Wait, i thought pilot na sya sa PAL?”
“Baka gusto muna nya maging instructor.”
Makikita sa post ng Airways Aviation Australia ang larawan ni Ahmee na nakapatong ang mga braso sa propeller ng eroplano.
Sabi sa caption, “Meet Christiana Ahmee, joining us a flight instructor! With her expertise and dedication to aviation, Christiana is ready to guide our students through every stage of their flight training. We’re excited for the knowledge and energy she brings to the team.”
Taong 2024 nang makuha ni Ahmee ang kanyang lisensya bilang piloto.
Last year, 2025 nang maka-graduate ito sa college.

Share.